Ni Beth Camia

Inilabas na kahapon ng Korte Suprema ang resulta ng 2017 Bar Examinations, at isang nagtapos sa University of St. La Salle sa Bacolod, Negros Occidental ang nanguna sa 1,724 na bagong abogado sa bansa.

Nakapasa ang 1,724 bar examinees, na kumakatawan sa 25.5 porsiyento ng kabuuang 6,748 kumuha ng pagsusulit noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ang top ten bar examinees ay sina Mark John Simondo, ng University of St. La Salle, Bacolod (91.05%); Christianne Mae Balili, ng University of San Carlos sa Cebu City (90.8%); Camille Remoroza, ng Ateneo de Davao University (90.7%); Ivanne D’laureil Hisoler, ng USC (89.55%); Monica Anne Yap, ng San Beda College-Manila (89.45%); Lorenzo Luigi Gayya, ng University of Sto. Tomas (89.1%); Rheland Servacio, ng USC (89%); Krizza Fe Alcantara-Bagni, ng St. Mary’s University sa Nueva Vizcaya (88.9%); Algie Kwillon Mariacos, ng San Beda (88.9%); Klinton Torralba, ng UST (88.65%); at Emma Ruby Aguilar, ng UST (88.4%).

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang oathtaking ceremony ay sa Hunyo 1, 2018, sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.