Ni ANNIE ABAD

IBINIDA ng Philippine Sports Commission (PSC) na patuloy ang ginagawang programa hindi lamang sa elite athletes bagkus sa grassroots level at maging sa hanay ng kababaihan at Indigenous tribe member sa bansa.

RUSSIAN SPORTS! Malaki ang posibilidad na magkaroon ng memorandum of understanding (MOU) sa sports ang Russia at Pilipinas matapos ang pagpupulong nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Consular Officer Denis Karenin mula sa Embassy of the Russian Federation in the Philippines. Nasa larawan din si PSI National Director Marc Velasco.

RUSSIAN SPORTS! Malaki ang posibilidad na magkaroon ng memorandum of understanding (MOU) sa sports ang Russia at Pilipinas matapos ang pagpupulong nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Consular Officer Denis Karenin mula sa Embassy of the Russian Federation in the Philippines. Nasa larawan din si PSI National Director Marc Velasco.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang torneo mula sa Manny Pacquiao Cup, Children’s game, Women’s Sports, Indigenous Peoples Games at Philippine National Games, hindi rin tumitigil ang ahensiya sa paghahabol sa mga nagkukulang na National Sports Association (NSA), higit sa mga opisyal na umabuso sa kanilang kapangyarihan na naglagay sa mga atleta sa kawalan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We at the PSC Board are trying our best to deliver the message of President Duterte to Filipino people. Sports for all ang aming ginagawa. Kahit sinisiguro naming maayos ang kalagayan ng ating mga elite athletes, hindi namin isinasantabi ang sports development sa grassroots,” sambit ni Ramirez sa isinagawang media briefing kahapon.

Anim na torneo sa iba’t ibang lalawigan na magsisimula sa Abril 27-28 sa Tagum City, Davao del Norte ang Indigenous Peoples Games na pinangangasiwaan ni PSC commissioner Charles Maxey.

“Matagal na itong plano and we’re proud to say that this is the first time the PSC is collaborating with the LGUs and National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), para maipagmalaki nila ang kanilang kultura,” pahayag ni Maxey.

Sinabi naman ni PSC Commissioner Ramon Fernandez na nakalaan ang P5 milyon premyo para sa magwawaging LGU sa PNG na nakatakda sa Mayo 19- 25 sa Cebu City. May P4 na milyon at P3 milyon sa runner-up.

Ayon kay Fernandez, ang naturang premyo ay magagamit lamang ng LGU para sa kanilang sports programa upang mas mapalakas pa ang kanilang mga atleta.

“SA ibang LGU, magiging challenge sa kanila ito para pagigihan nila ang kanilang programa sa mga susunod na PNG,” ayon kay Fernandez.

“We are expecting the participation of our national athletes in the Philippine National Games (PNG). But it’s not that they are required (our national athletes) to participate. If they’re Local Government Unit (LGUs) will be needing them in the team, mas maganda,” aniya.

May kabuuang dalawampu’t dalawang sports dosciplines ang nakatakdang paglabanan sa PNG, kabilang na ang Archery, Arnis, Athletics, Badminton, Chess, Boxing, Cycling, Dancesport, Judo, karatedo, Sepak takraw, Softball, Swimming, Table Tennis, triathlong, Weightlifting, Volleyball (indoor), Volleyball (outdoor), Gymanstics at Rugby Football.

Ang nasabing mga laro ay gaganapin sa 12 venues sa kabuuan ng Cebu city at Cebu Province, at naghanda din ng 19 billeting areas ang PSC para sa mga partisipante sa nasabing event.

Ipinahayag din ni Fernandez na aprubado ng PSC Board ang Board Resolution (BR) para ipawalang-bisa ang P3.2 milyon liquidation sa financial assistance sa PKF-NSA upang mabigyan daan ang pagsasampa ng kasong criminal sa opisyal ng karate.