ISASAGAWA ng Philippine Volleyball Federation (PVF), sa pakikipagtulungan ng Joe Cantada Sports at Tanduay Athletics, ang Under 18 and Under 12 Indoor Volleyball for boys and girls, gayundin ang Under 18 Beach Volleyball sa Mayo 27-28 sa multiple volleyball courts ng Cantada Sports Center sa Taguig City.

 PATULOY ang pag¬papaabot ng libreng volleyball sa mga pampublikong eskwela¬han sa pangangasiwa ng Philippine Volley¬ball Federation (PVF) grassroots development outreach program, sa pagkakataong ito sa Laurel Senior High School sa East Laurel, Batangas. Ang progra¬ma ay itinataguyod nina PVF President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada, PVF Chairman Mikey Arroyo at Tanduay Athletics.

Ang age eligibility ng player ay kailangang 18-anyos at 12-anyos sa kabuuan ng kompetisyon.

Ayon kay PVF President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada, ang mga koponan na magmumula sa malalayong lalawigan ay pagkakalooban ng libreng matutuluyan para sa dalawang araw ng kompetisyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Walang entry fee na babayaran ang mga lalahok.

Bukas ang torneo para sa lahat ng school teams, club teams at koponan nang magkakaibigan. Sa mga interesadong lumahok, maaring makipag-ugnayan sa Mobile No. 09266939640/09178332353/09178429926.

Hiniling ng PVF ang maagang pakikiisa ng mga lalahok upang kaagad na madetermina ang dami ng mga atleta. Ang deadline ay sa Mayo 17.