MASUSUBOK ang kakayahan ng Pinoy bowlers sa pakikipagtuos sa pinakamahuhusay na players sa Asia sa paggulong ng 2nd Philippine International Bowling Open sa Coronado Lanes sa Starmall a Mandaluyong City.

tabora copy

Pangungunahan ni reigning World Cup champion Krizziah Lyn Tabora ang Team Philippines laban sa Malaysia, Singapore, Hong Kong, Korea, Japan, United Arab Emirates, at Australia sa torneo na nakatakda sa Abril 28 hanggang Mayo 13.

Idedepensa nina Kenneth Chua at Lara Posadas ang men at women’s open singles masters. Isasagawa rin ang Corporate Cup tanpok ang 36 koponan bilang side-event.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ipinahayag ni bowling hall-of-famer Bong Coo, secretary-general ng Philippine Bowling Federation (PBF), ang pakikidigma ng mga Pinoy bowlers sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes.

“This is part of the national team’s training for the coming Asian Games in Jakarta,” sambit ni Coo.

Inimbitahan sa opening ceremony sina Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas, Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez, PBF Chairman Senator Tito Sotto, Asiad chef de mission Richard Gomez, at 2019 Southeast Asian Games CDM Monsour del Rosario.

Kabuuang P3 milyon ang premyong nakataya sa torneo.

Ayon kay Coo, target ng bowling team na makapagwagi ng dalawang gintong medalya sa Asian Games na gaganapin sa Palembang, Indonesia sa Agosto.

Huling nagwagi ng Asiad gold medal ang Pinoy sa katauhan ni Biboy Rivera noong 2010 Guangzhou edition kung saan naguwi rin ng bronze medal si Frederick Ong.