Ni Nora V. Calderon

MAGKARELASYON ang characters na ginagampanan nina Paolo Ballesteros at Joem Bascon sa My 2 Mothers ng Regal Films. Beki kasi si Paolo sa story. So, how is it working with Paolo, tanong kay Joem, lalo na sa mga eksena nila together?

“No problem po, kasi common friends kami ni Paolo,” sagot ni Joem. “Saka for general patronage ang movie namin kaya wala naman kaming ipakikita ni Paolo. Hanggang sa magkatabi lamang kami sa kama saka mga titigan kapag nasa labas kami. Wala pong pwedeng gawin lalo na nang nakakasama na namin ang anak nila ni Solenn (Heussaff) na si Marcus (Cabais). Kailangan pong walang mapansin ang bata.

“Maganda nga po, dahil very light ang movie, magaan kasama ang isa’t isa, tiyak na tatawa ang mga manonood. Saka nariyan po si Inay Maria (Maricel Soriano), kaya talagang hahagalpak kayo sa tawa, napakahusay niyang actress, comedy man o drama. May isang eksena siya diyan na tiyak na ikagugulat ninyo at hindi kayo makakapigil sa pagtawa.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kung sa tunay na buhay ay magkaroon siya ng karelasyon na tulad nila ni Paolo sa movie, keri ba niya, open ba siya? “Open po ako sa relationship. Napag-uusapan naman iyon.”

Umamin si Joem na mama’s boy siya. Kaya ba niyang ipagpalit ang mommy niya sa ibang bagay? “Hindi po mahal ko ang nanay ko, hindi ko siya ipagpapalit sa kahit anong bagay.”

First time ni Joem na maidirek ni Eric Quizon, how is it working with him?

“Napakahusay po ni Direk Eric, mabilis siyang magtrabaho at wala po naman kaming narinig na nagreklamo siya sa amin sa shooting. Madalas din siyang magbigay sa amin ng pointers based sa natutunan din niya sa kanyang ama, ang ace comedian na si Tito Dolphy. Tulad po ng sabi ko magaan silang lahat katrabaho at nagpapasalamat po ako na na-consider ako ng Regal Films na makasama sa cast ng My 2 Mommies,” aniya.

Showing na in cinemas nationwide ang My 2 Mommies, as a Mother’s Day presentation ng Regal Films, simula sa May 9, 2018.