WASHINGTON (AFP) – Sinabi ni French President Emmanuel Macron sa US lawmakers nitong Miyerkules na walang ‘’Planet B,’’ inamin na hindi siya sang-ayon sa desisyon ni President Donald Trump na iurong ang Amerika sa makasaysayang Paris accord sa climate change.

‘’Let us face it. There is no Planet B,’’ ani Macron sa kanyang pagtalumpati sa Congress sa huling araw ng kanyang state visit sa United States.

‘’We have disagreements between the United States and France. It may happen, like in all families,’’ aniya -- ngunit ang mga ganitong hindi pagkakasundo ay dapat na panandalian lamang.

‘’We’re just citizens of the same planet,’’ ani Macron. “I’m sure one day, the United States would come back and join the Paris agreement.’’
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'