GAZA CITY, Palestinian Territories (AFP) – Pumanaw na ang Palestinian journalist na binaril ng Israeli forces sa Gaza border dalawang linggo na ang nakalipas, sinabi ng Israeli at Palestinian sources nitong Linggo. Siya ang ikalawang journalist na napatay sa kaguluhan.

Si Ahmed Abu Hussein, 25, ay nabaril noong Abril 13 habang nag-uulat sa protesta sa Gaza border para sa Palestinian media.

Inihayag ng Gaza health ministry na namatay siya matapos gamutin sa loob ng Israel, na kinumpirma ng Sheba hospital malapit sa Tel Aviv. Inilipat na ang kanyang bangkay sa Gaza, para sa libing sa Huwebes.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture