Nina Bella Gamotea, Fer Taboy, at Light Nolasco

Pitong katao ang napatay matapos umanong manlaban sa magkakahiwalay na drug-bust operation ng pulisya sa Laguna at Nueva Ecija.

Sinabi ni Senior Supt. Kirby John Kraft, hepe ng Laguna Police Provincial Office (LPPO), na sa unang insidente, isa sa dalawang napatay na suspek ay nakilalang si Christopher Manjares, alyas “Boy”, ng Barangay Pansol, Calamba City. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito.

Naiulat na dakong 2:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa Bgy. Pansol, Calamba.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naglatag ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng LPPO laban sa mga suspek, na nanlaban umano na nagresulta sa kanilang pagkasawi.

Dalawang .38 caliber revolver, isang improvised M203 grenade, at hindi mabatid na dami ng droga ang nasamsam ng pulisya sa mga ito.

Sa San Pablo City, tatlong umano’y tulak ang napaslang nang manlaban din umano sa mga pulis, kahapon.

Dakong 5:00 ng madaling-araw nang mangyari ang ganap ang shootout sa Sitio Biuyan, Barangay Sto. Angel sa nasabing lungsod na nagresulta sa pagkakapaslang kina Reynaldo Dante, Wilbert Sardido, at isang hindi pa nakilalang suspek.

Nasamsam umano sa tatlo ang tatlong .45 caliber pistol, P2,000 marked money, at pitong plastic sachet ng shabu.

Tumimbuwang din ang dalawa pang umano’y tulak sa operasyon ng pulisya sa Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi.

Binanggit ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan

City Police, dakong 10:40 ng gabi nang pumalag umano ang dalawang suspek n naging dahilan upang paputukan sila ng mga awtoridad.

Ang unang suspek ay nakilalang si Erwin Almerido, 54, ng Bgy. Bangad, Cabanatuan City, habang number three drug personality naman ng lungsod ang napaslang din na si Eddie Esquivel, ng Bgy. Maestrang Kikay, Talavera.