Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan – Apat na katao ang magkakasunod na inaresto sa Lingayen, Pangasinan kaugnay ng paglabag sa ipinatutupad na gun ban ngayong panahon ng halalan.

Kinilala ni Supt. Ferdinand de Asis, hepe ng San Carlos City Police, ang unang inaresto na si Christopher Resquid, 33, ng Barangay Taloy, San Carlos City, dahil sa pag-iingat ng hindi lisensiyadong caliber 38 revolver at mga bala nito.

Sumunod na inaresto sina Julie Drapeza, 58, tindero, ng Poblacion, Binalonan, Pangasinan dahil sa pag-iingat ng caliber 45 pistol na kargado ng anim na bala; Ariel Rainez, ng San Pedro, San Quintin, drug surrenderer, dahil sa pag-iingat ng improvised shotgun; at Erbesto Aquino, 64, fishpond caretaker, na nakumpiskahan ng caliber 38 revolver at apat na bala ng caliber 45 pistol.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act.