Ni Lyka Manalo

STO. TOMAS, Batangas - Sampung granada ang nahukay sa isang ginagawang bahay sa Sto. Tomas, Batangas, nitong Lunes ng madaling-araw.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:00 ng hapon nang madiskubre ang mga granada sa ginagawang bahay ni Robinson Montero, sa Barangay San Agustin.

Kaagad rumesponde sa lugar ang grupo ni SPO2 Jay Pachica, ng Explosive Ordnance Division (EOD)-Region 4A Bomb Squad.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Isang uri ng Japanese grenade ang nasabing mga pampasabog, na bahagi ng ginamit noong World War II.

Isa ring 37mm high explosive vintage bomb ang nadiskubre rin ginagawang bahay ni Arim Lubrino sa Bgy. Sta. Clara sa nasabing bayan, dakong 1:30 ng hapon.

Nasa kustodiya ngayon ng EOD Region 4A ang mga narekober na bomba.