Ni Chito A. Chavez
Isang Pinoy environmentalist ang kabilang sa pitong recipients ng 2018 Goldman Environmental Prize, ang world’s largest award for grassroots environmental activists, inihayag ng US-based Goldman Environmental Foundation kahapon.

Sa seremonya sa San Francisco Opera House, kabilang si Manny Calonzo, dating president ng Quezon City-based EcoWaste Coalition at adviser ng Global Lead Paint Elimination Campaign ng IPEN (isang international NGO network para toxics-free future) sa awardees.
Si Calonzo ay pinili ng international jury mula sa confidential nominations na nangunguna sa fruitful advocacy campaign na nagbabawal ng pagpoprodukto, pagbebenta at paggamit ng mga pintura na mayroong lead, isang uri ng kemikal na may masamang epekto sa utak at central nervous system.
Ang iba pang Goldman Environmental Prize winners ngayong taon ay sina Francia Marquez ng Colombia, Claire Nouvian ng France, Makoma Lekalakala at Liz McDaid mula sa South Africa, Leeanne Walters ng USA, at Khanh Nguy Thi mula sa Vietnam.
Itinatag ang prize noong 1989 ng San Francisco civic leaders at philanthropists na sina Richard at Rhoda Goldman.
“This recognition of our collective success in the Philippines, I hope, will inspire global efforts to ban lead paints, particularly in developing countries, at a much faster tempo,” ani Calonzo.