Ni ERNEST HERNANDEZ

MATIKAS ang debut game ng Columbian Dyip sa 2018 PBA Honda Commissioners Cup matapos madomina ang Blackwater Elite.

Columbia Dyip Jerramy King (35), nakuha ang bola kay Roi Sumang ng Blackwater (6) sa PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum, Quezon city, April 22,2018. (Czar Dancel)

Columbia Dyip Jerramy King (35), nakuha ang bola kay Roi Sumang ng Blackwater (6) sa PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum, Quezon city, April 22,2018. (Czar Dancel)

May dating ang Columbian Dyip, sa pangunguna ni import Jerramy King, dating nakapaglaro sa Rain or Shine Elasto Painters sa PBA Philippine Cup.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Hataw si King sa naiskor na game-high 30 puntos, tampok ang limang three-pointer, pitong rebounds, apat na assists at tatlong steals.

“It’s my best game so far in the PBA,” pahayag ni King. “I just worked really, really hard and tonight if finally showed. I had the opportunity from my coach and I am really thankful for that.”

Sa unang ratsada, dama ng mga tagasuporta ng Dyip na nakaayon ang kanyang istilo sa sistema ng koponan.

“The style is more my style and it’s fast-paced. Coach Ricky (Dandan) has a lot of confidence in me and he let me play. It worked out well tonight,” pahayag ni King.

Sunod-sunod ang laro ng Columbian Dyip sa kabuuan ng linggo, ngunit hindi ito alintana ni King na nagpahayag ng kahandaan na ibigay ang galing anumang oras na hingin ng pagkakataon.

“I feel ok. Get some rest, go back to work-- and I’m excited about the next two games as well,” aniya.

Kasama sina Rashawn McCarthy at Carlo Lastimosa, maagang nagpakita ng character ang Columbian Dyip na inaasahang magagamit nila para sa minimithing pedestal.

Iginiit ni Kings na handa siya para mapabago ang anyo ng koponan bilang top contender mula sa dating kinalalagyan sa ilalim ng team standings.

“I’m trying to change the culture and so is the rest of the team. It’s a team effort, it is not just one person and tonight, I had had a good game and next game somebody else will probably. It’s a total team effort with the coaches and we are trying to change the culture here,” pahayag ni King.

Sasabak ang Columbian Dyip laban sa Meralco Bolts ngayon sa Smart Araneta Coliseum at mapapalaban sa NLEX Road Warriors sa Sabado (April 28) sa Antipolo city.