Ni Light A. Nolasco

GEN. TINIO, Nueva Ecija - Arestado ang isang dating drug surrenderer makaraang pasukin umano at pagnakawan ang isang grocery store sa Barangay Poblacion Central sa Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Aabot umano sa P10,000 cash na kita ng establisimyento at grocery items ang natangay ni Jeffrey Gutierrez y Pajarillaga, alyas “Pula”, 34, binata, ng Bgy. Pulong Matong, ayon sa pulisya.

Nabatid sa report na dakong 8:45 ng gabi nang pasukin umano ni Gutierrez ang grocery store ni Luz Zuñiga y Pajarillaga, 61, ng nasabing lugar.

Probinsya

30-anyos transwoman, pinatay ng kaniyang partner

Nakilala sa kuha ng CCTV camera sa lugar, batay sa record ng pulisya, ay dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya si Gutierrez, na may nakabimbing kaso ng robbery sa korte.