Ni Light A. Nolasco

GUIMBA, Nueva Ecija – “Sorry, Jet, sa nagawa kong pagkakamali. Patawad, lasing lang ako!”

Ito ang nakasulat sa kapirasong papel na nakadikit sa lubid na ginamit ng lalaki na natagpuang nakabigti sa puno ng Sampalok sa Barangay Sta. Veronica sa Guimba, Nueva Ecija, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang nagpatiwakal na si Rolando Laungayan, 43, porter sa Guimba public market, at taga-Bgy. Saranay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang vendor na si Marlon Bedania ang nakadiskubre sa nakabigting si Laungayan, at kaagad itong ipinaalam sa kapatid ng biktima na si Marcelino Laungayan, isa ring porter sa palengke.

Magkasama nilang isinugod sa Guimba District Hospital si Rolando pero patay na ito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong 1:15 ng hapon nitong tanghali nang mapaulat na binosohan umano ni Rolando ang hipag ni Marcelino habang naliligo sa banyo ng bahay nito.