Ni NITZ MIRALLES

HINDI pala ang My 2 Mommies ang dapat gagawing pelikula sa Regal Films ni Maricel Soriano. May ibang project si Direk Eric Quizon para sa kanya, pero nang malaman ni Maricel na gagawin ng direktor ang Mother’s Day presentation ng Regal Films ay sinabi niyang gusto niyang makasama sa pelikula.

maricel copy

Kahit special participation ang role niya bilang si Tita Baby, importante pa rin sa pelikula.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Importante ang role niya dahil siya ang last tita ni Manu (Paolo Ballesteros), siya ang last na relative at nangungulit kay Manu na magkaanak dahil mauubos ang lahi nila ‘pag hindi ito magkaanak,” paliwanag ni Direk Eric sa papel ni Maricel.

May peg ba si Maricel sa role niyang si Tita Baby?

“Wala akong peg, ako lang. Natutuwa ako na nakasama ako sa pelikula dahil masaya sa set. Masarap katrabaho sina Paolo at Solenn Heussaff, walang feeling pa-star. Yung bata, si Marcus (Cabais), ang husay din,” panimula ni Maricel.

Hindi na kailangang kumbinsihin pa si Maricel na gawin ang karakter ni Tita Baby dahil malaking bagay sina Mother Lily Monteverde at Rosell Monteverde para maging active na uli sa paggawa ng pelikula ang Diamond Star. Idagdag din si Eric na kumumbinse kay Maricel na sumama sa cast ng My 2 Mommies.

Super close sina Maricel at Eric at parang tunay na magkapatid ang turingan dahil very close si Maricel na namayapang Comedy King na si Dolphy, ang ama ni Eric.

“Pinkish ang tawag ko kay Eric dahil tingnan n’yo naman ang cheek. Natutuwa ako na sa pagbabalik pelikula ko, siya ang director. Masaya kaming ginawa ang pelikulang ito at sana panoorin, sa May 9 na,” pagpo-promote ni Maricel.

Matutuloy ang unang binalak na pelikula ni Eric para kay Maricel sa Regal Films pa rin. Si Eric din ang director at may concept sa pelikulang may title na Widow/Widower, na sila rin ang magkatambal.