PNA

SIMULA ngayong Miyerkules, Abril 25, ay libre nang makakasakay sa Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 ang lahat ng aktibong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kailangan lamang ipakita ng mga aktibong sundalo ang kanilang AFP identification card na magsisilbing access pass upang libreng makasakay sa MRT.

Ang access pass ay maaaring gamitin sa loob ng isang taon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ngayong araw rin nakatakdang lagdaan ng AFP at DOTr ang Memorandum of Agreement sa MRT-3 depot sa Quezon City, upang maging pormal ang pagtutulungan ng dalawa.

Ang MOA ay lalagdaan nina Transportation Secretary Arthur Tugade, DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia, at Civil Relations Service AFP Commander Brig. Gen. Bienvenido Datuin Jr.

Ang MOA ay kikilalanin nina Batan at AFP Chief of Staff Carlito Galvez, Jr. at inaprubahan naman nina Tugade at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzano.

Sinabi ni Tugade na ang libreng sakay ay paraan ng DOTr upang kilalanin ang sakripisyo ng mga sundalo.

“Isa sa pinakamahirap na tungkulin ang maging sundalo. Maliit na pabor lamang ito bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo at pagmamahal sa bayan,” pahayag ni Tugade.

Para naman sa bahagi ng AFP, magbibigay ito ng MRT ambulance at tulong medikal sa panahon ng emergency at krisis.

Isang kasunduan din ang nilagdaan noong nakaraang taon sa pagitan ng AFP at ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na nagbibigay sa lahat ng mga uniformed personnel ng militar ng libreng sakay sa LRT-Line 2hanggang Disyembre 2018, bilang pagkilala sa mga sundalo na nakipaglaban sa digmaan sa Marawi City.