NAGWAGI ang Far Eastern University chess team sa katatapos na 6th Red Kings Chess Tournament na tinampukang Open Doubles Team Chess Championship na ginanap sa Multipurpose Hall, Meralco Fitness Center, Meralco Compound, Ortigas Avenue sa Pasig City.

 TINANGGAP nina FEU chess team Board 1 player National Master John Merill Jacutina (kaliwa) at Board 2 player Istraelito Rilloraza ang premyo mula kay tournament organizer Fide Master Nelson “Elo” Mariano II (gitna).


TINANGGAP nina FEU chess team Board 1 player National Master John Merill Jacutina (kaliwa) at Board 2 player Istraelito Rilloraza ang premyo mula kay tournament organizer Fide Master Nelson “Elo” Mariano II (gitna).

Ito ay isinahimpapawid ng live worldwide sa YouTube at Facebook channel ng National Chess Federation of the Philippines.

Nasa pangangasiwa ni multi-titled coach Grandmaster Jayson Gonzales, ang FEU Tamaraws woodpushers ay binubuo nina Board 1 National Master John Merill Jacutina at Board 2 Istraelito Rilloraza na tinangap ang P14,000 top cash prize matapos makalikom ng 13.5 puntos sa Nine-round Swiss System format chessfest.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang second place ay nakamit ng Team Bravo/Philippine Army chess team na nag-uwi naman ng P8,000 na may 13.0 puntos.

Ang Team Bravo/Philippine Army team chess team ay kinabibilangan nina board 1 International Master Joel Pimentel at board 2 Mark Bravo.

Nasukbit ni Pimentel ang Board 1 Gold Medal na may 7 wins at 2 draws tungo sa total output 8 out of 9 points.

Ang third place naman ay Bank of Philippine Island (BPI) Chess Team na kinabibilangan nina board 1 National Master Nick Nisperos at board 2 Jovert Valenzuela.

Ayon kay tournament organizer Fide Master Nelson “Elo” Mariano II, may kabuuang 59 Teams , 28 Titled Players, 100+ Players mula sa iba’t ibang eskwelahan ang lumahok sa nasabing event kung saan ay may apat na Digital Game Technology (DGT) ang ginamit mula kay Philippine Executive Chess Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

“Thank you Atty. Cliburn Anthony A. Orbe for the 4 DGT Boards to make this event to be more prestigious,” sabi ni Elo, nakababatang kapatid nina Grandmaster (GM) Nelson Mariano at Woman International Master (WIM) Cristine Rose Mariano-Wagman.