NEW YORK (Reuters) – Hinatulang guilty ng Manhattan federal court ang isang abogado sa New York City kaugnay ng umano’y panunuhol sa isang police sergeant upang matulungan ang kanyang mga kliyente na makakuha ng lisensiya ng baril.

Si John Chambers, na naglingkod bilang assistant district attorney sa Brooklyn, ay kinasuhan ng bribery, conspiracy at fraud makalipas ang mahigit tatlong oras na deliberasyon, na sinimulan nitong Lunes ng hapon.

“We are disappointed in the verdict and will take the case up on appeal,” ayon sa abogado ni Chambers na si Roger Stavis.

Inaresto si Chambers, 63, noong Abril 2017.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina