Ni Mary Ann Santiago

Humihirit ang Department of Education (DepEd) sa Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang honoraria na ipagkakaloob sa mga gurong magsisilbi bilang electoral board inspectors sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo 14.

Ayon kay Education Undersecretary Alain del Pascua, nakikipag-negosasyon na sila sa pamunuan ng Comelec hinggil sa naturang kahilingan.

Nabatid na alinsunod sa batas, ang honoraria ng mga guro para sa halalan ay aabot sa P6,000 para sa chairperson ng electoral board, P5,000 para sa bawat board member, P4,000 para sa DepEd supervisor, at P2,000 naman para sa support staff.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bukod dito, pagkakalooban din ang mga ito ng tig-P1,000 travel allowance.