Ni Marivic Awitan

MALAGAY sa hindi pamilyar na sitwasyon -- maagang pangingibabaw ang tatangkain ng koponan ng Columbian Dyip -- sa pagsabak kontra Meralco sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

PBA Sched April 25

Sa pangunguna ng bagong recruit mula sa free agent pool na si Jeremy King at ng inilagay nila sa no. 2 position na si Rashawn McCarthy, naipanalo ng Clumbian Dyip ang una nilang laro kontra Blackwater noong opening day, 126-98.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magandang simula para sa kanilang koponan ang nasabing tagumpay na gusto nilang panghawakan at hangga’t maaari ay maging buwelo para sa mas matagumpay na kampanya ngayong second conference, ayon kay coach Ricky Dandan.

Gayunman, aminado siyang marami pang dapat ayusin sa kanilang team bukod pa sa mga expectations na kailangang maabot ng kanyang mga players partikular si import CJ Aiken.

Natapat sa beterano ng import na si Jarrid Famous kontra Elite, mas matinding pagsubok ang haharapin ni Aiken sa pagsagupa nila sa Bolts ngayong 4:30 ng hapon dahil makakatapat nya ang reigning Best Import na si Arinze Onuaku.

Umaasa si Dandan na mas magiging agresibo ang kanilang import sa opensa kung saan di sya gaanong naramdaman noong unang laro matapos na magtala lamang ng 9 na puntos kasama ng 22 rebounds, 6 na steals at 2 blocks.

“In terms of his presence for us, rebounding, CJ is okay. But he needs to be more aggressive especially against the bigger imports like Arinze [Onuaku] of Meralco or even Famous,” wika ni Dandan. “He did not match-up well with them but our locals did. We want him to be more aggressive in scoring. This first week will be his exam.”

Inaasahan ni Dandan na muli silang makaka-match-up ng maayos kontra Bolts partikular sina King at McCarthy na umiskor noong opening ng 30 at 22 puntos ayon sa pagkakasunod.

Sa tampok na laban ganap na 7:00 ng gabi, tatangkain naman ng Blackwater na makabawi sa unang pagkabigo kontra Columbian Dyip sa pagsagupa nila sa Phoenix.

Nakatakdang iparada ng Fuel Masters bilang import ang dating reinforcement ng Mahindra na si James White.