Ni REMY UMEREZ

NAIS ng bandang Link na maging Ambassador of Goodwill ng kabataan at isulong ang kampanya laban sa droga sa high school at college students.

Link copy

Plano ng Link na magkaroon ng series of shows sa mga paaralan, kasama ang different music groups at makapagtatag ng drug free work place, magkakaroon ng drug abuse hotline at professional counseling, at seminar para sa mga guro at estudyante sa mga paaralang kanilang pagtatanghalan.

Events

Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador

Ang musika ng Link ay pinaghalong electric dance at alternative music ng dekada 90.

Taong 2014 nang mabuo ang grupo na na kinabibilangan ng lead vocalists na sina Genesis Diala Guiwan at Christine Feliciano, na minsan ay lumahok sa Tawag ng Tanghalan. Kasama rin sa grupo ang magkapatid na Ace at Sunny Nagtalon, sa guitar at drums.

Kamakailan ay nagkaroon ng libreng pagtatanghal ang Link sa open arena sa Rizal Park, sa direksiyon ni Fritz Ynfante.