Ni Martin A. Sadongdong

Ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) ang 90 porsiyento ng 195,000 tauhan nito, o nasa 175,000 pulis, para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan.

Ito ang tiniyak ni PNP chief Director General Oscar Albayalde upang masiguro ang payapa at maayos na pagdaraos ng halalan sa bansa sa Mayo 14.

“About 90 percent of our strength will be deployed in the polling centers, the rest will be on standby mode,” ani Albayalde, idinagdag na isinasapinal na ng PNP ang security plan nito sa tulong ng militar at ng Commission on Elections (Comelec).

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Una nang tinukoy ng PNP ang 7,544 na election hot spot sa bansa, bagamat kaagad niyang nilinaw na hindi nangangahulugang delikado na ang mga ito.

Kaugnay nito, muling umapela si Albayalde sa publiko na huwag iboto ang mga opisyal na kilala sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

“I am hoping that the public will really be choosy in picking those who will be elected officials,” ani Albayalde, inaming may ilang opisyal ng barangay sa drugs watch list ng pulisya.