LAGOS (Reuters) – Patay ang 16 na katao matapos atakehin ng Semi-nomadic herdsmen ang isang simbahan sa central state ng Nigeria, nitong Martes.
Daan-daang katao ang nasawi sa gulo ngayong taon sa pagitan ng mga nagpapastol at mga magsasaka sa gitnang bahagi ng Nigeria, sa pumutok na karahasan na gumigipit kay President Muhammadu Buhari bago idaos ang eleksiyon sa Nigeria.
Tinawag naman ni Buhari na “heinous” ang pag-atake, “Violating a place of worship, killing priests and worshippers is not only vile, evil and satanic, it is clearly calculated to stoke up religious conflict and plunge our communities into endless bloodletting,” dagdag pa niya.
Ang madugong gulo ay sinasabing nag-ugat sa agawan ng karapatan sa lumiliit na lupaing maaaring mapagtaniman sa bahagi ng Ayar Mbalom, sa silangan ng Gwer East.
Kinumpirma naman ng pulisya na kabilang ang dalawang pari sa namatay sa atake.