Ni Reggee Bonoan

Saika-100 taong selebrasyon ng Pelikulang Pilipino, dadalhin ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang isang malaking delegasyon ng Filipino filmmakers, artists, and members of the academe para sa Far East Film Festival, simula Abril 24 hanggang 29, sa Udine, Italy.

Bilang country of focus, tatlo ang pelikulang for competition ng Pilipinas ang Si Chedeng at Si Apple, Smaller and Smaller Circles at Ang Larawan. Ipapalabas naman sa festival ang restored film classics feature ni Direk Ricky Lee na Himala at Moral ng namayapang director na si Marilou Diaz-Abaya.

Magsasalita sa Far East Film Festival ang mga piling mga filmmaker at speaker para sa temang Sandaan: Philippine Cinema Centennial Talks. Sila ay sina Mr. Ed Lajano, Direktor ng QCinema, Bianca Balbuena, CEO ng EpicMedia, renowned actress na si Elizabeth Oropesa at FDCP Chairperson and CEO Liza Diño para sa Filipino Popular Cinema na pamamahalaan ni Mr. Max Tessier, sa Abril 26.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Tatalakayin naman ng film historian at dokumentaristang si Nick Deocampo ang Discovering the Past: Asian Film History - Filipino Cinema during WWII, na ipapakilala ni G. Roger Garcia, Festival Director ng Hong Kong International Film Festival, sa Abril 27.

Ipinagmamalaki rin ng FDCP na ipahayag na tatlong film projects mula sa Pilipinas ang nakapasok sa 14 titles na pinili ng Focus Asia, ang Far East Film Festival Project Market na nakatuon sa genre cinema. Ang projects in development na ito ay ipapakita sa mahigit 200 propesyonal na bumubuo ng mga panel, one-on-one meetings, projection at networking opportunities.

Ang mga ito ay Belen ni Quark Henares, produced nina Bianca Balbuena at Bradley Liew, Epicmedia Productions Inc., Quantum Suicide ni Mikhail Red, na produced ni Micah Tadena, Media East Productions at Taro Imai, Harakiri Films, na co-produced with Japan, at Wilderness ni Nadira Ilana, na produced ni Nadira Ilana, Telan Bulan Films at Pamela Reyes, Create Cinema at Panuksmi Hardjowirogo, M’GO Films, isang co-production ng Malaysia, Pilipinas, at Singapore.

Nakapasok naman ang Filipino Producer na si Monster Jimenez ng Arkeo Films at ang kanyang project in development, Return of the Owl ni Martika Ramirez Escobar ay nakapasok sa 15 selected projects para sa ikasampung edisyon ng Ties That Bind, ang Asia-Europe co- production workshop na pagsasamahin ang Asian at European professionals sa development ng film projects. Ang mga napiling pelikula ay magkakaroon ng pagkakataong makilala ang mga producer, financier at distributor na naroroon sa mga araw ng Focus Asia para sa potensyal na partnership sa development ng kanilang pelikula.

Ang Far East Film Festival ay tatakbo simula Abril 20 hanggang 29, 2018.