Ni Bert de Guzman

Inaprubahan ng House committee on basic education and culture ang House Bill 58 na magkakaloob ng suporta sa mga guro sa pagdidisiplina sa mga estudyante.

Partikular na tinukoy sa panukala ang pagsuporta sa mga guro at kawani ng paaralan sa mga bagay na may kaugnayan sa “student discipline and mechanisms for classroom management, and provide for their protection against cases related to such”.

Inakda ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, ipatutupad alinsunod sa “Teacher Protection Act of 2016”, sa lahat ng pampublikong paaralan, ang mga alituntunin hinggil sa tamang ugali ng mga estudyante, guro, at school staff sa panahon ng klase sa loob at labas ng paaralan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador