NAKOPO ni Raymond Ompod ang katatapos na 2nd edition ng Councilor Camille Lopez chess tournament na ginanap kamakailan sa 2nd floor building 1, Public Market sa Lipa City, Batangas.

Nakalikom si Ompod ng 6.5 puntos para maibulsa ang top prize P2,000 plus trophy sa event na inorganisa ni Alexandro “Allan” Osena, presidente ng Christian-Muslim Chess Association (LCCMCA) sa pakikipagtulungan ni si LBC Express Customer Associate Ryan Lopez Sauz na tumatayong Press Relation Officer (PRO).

“Nagpapasalamat po kami kay Councilor Camille Lopez sa kanyang walang humpay na pagsuporta sa mga kabataan at sa sports lalu na sa chess.” sabi ni tournament director Alexandro “Allan” Osena, presidente din ng Golden Mind Chess Club.

Nasikwat naman ni Jan Kino Corpuz ang solong ika-2 puwesto matapos makaipon ng 6.0 puntos para maiuwi ang runner-up place P1,500 plus medal sa event na kaagapay din ang Golden Mind Chess Club na suportado ni Councilor Camille Lopez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa solong ika-3 puwesto naman si Julius Espinosa na nakaipon ng 5.5 puntos sapat para tangapin ang third prize P1,000 plus medal.

Bumida din si Edwin Macaraeg na may 5.0 puntos ng kunin ang 4th prize P700 plus medal habang panglima si Mark Anthony Paulo.

Nakopo naman ni Vincent Ryu Dimayuga ang Top Elementary award na may 5.0 puntos.

Nakaipon naman si Gabrielle Kane Gonzales ng 3.5 puntos tungo sa Top High School.