Nina Genalyn Kabiling at Beth Camia

Tiwala ang pamahalaan na matutuloy at makukumpleto ang isinusulong na peace talks sa komunistang rebelde sa loob ng 60 araw na palugit ni Pangulong Duterte.

Inilahad ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat ay magkasundo ang magkabilang panig sa “common platform” kontra sa kahirapan, ang ugat ng rebelyon, upang magtagumpay ang negosasyon.

“I understand the only agenda is you know addressing the supposed root causes of rebellion and I don’t think there’s a divergence of views on the root causes on the rebellion—it is poverty. So if the government and CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) will agree to address the root causes, then it should not even take 60 days because we have a common platform, mas maginhawang buhay para sa lahat, mas komportableng buhay para sa lahat,” paliwanag ni Roque kahapon sa press conference sa Malacañang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maaari aniyang magsimula ang 60 araw na deadline para sa negosasyon kapag nagkasundo na ang dalawang panig na maipagpatuloy ang peace negotiations.

“The problem is we have been talking peace with them for years and years and years. Walang katapusan. So I think the President said this is our last chance. Sixty days only,” sabi nito.

Kasabay nito, iniulat na payag si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na umuwi sa Pilipinas para sa negosasyon, iyon ay kung titiyaking hindi na makikialam ang “peace spoilers”.

“I don’t know if he is in a position to provide for conditions,” sabi ni Roque. “What the President said was if peace talks will resume, he is welcome to come home. The President will assure his security and the fact that he will not be arrested. Beyond that, the President has not acceded to any further terms.”