Ni NORA V. CALDERON
NAGTAPANG-TAPANGAN si Jodi Sta. Maria na i-experienceang Dinner in the Sky, ang finedining restaurant na literal na nakataas sa ere.
Sa Dinner in the Sky ng Belgian-based novelty restaurant service, itinataas ng crane ang diners, complete with table and waiting staff ng 150 feet sa ere. Tinawag ito ng Forbes magazine na isa sa world’s ten most unusual restaurants.
Ang Solaire Resort & Casino ang nagdala ng luxury experience na ito sa Pilipinas sa unang pagkakataon. Sa Dinner in the Sky, matatanaw ang breathtaking views ng Metro Manila at matitikman ang signature fine dining ng Solaire.
Dumating sa Manila ang Dinner in the Sky, last March 22, 2018 at tatagal hanggang sa Mayo 7. Ang regular prices plus ticket fees nito until May 7, ay P 9,900 per person, at mas mataas na after the promo period.
Nag-try nga si Jodi with her friends, na isa raw ay birthday celebrant. Sumakay sila sa gondola to the sky, na ipinakita niya sa kanyang Instagram story. Naka-strapped sila sa kanilang mga upuan at may name tag sa kanilang wrists.
“Sobrang kaba at nerbyos po ang nararamdaman ko ngayon,” kuwento niya habang nakapila sila ng mga kaibigan. “Nag-sweatshirt po ako kasi hindi ko alam kung ano ang temperature sa itaas, eh, lamigin po ako. Pero sa takot, pinapawisan na po ang kili-kili ko”.
Itinuloy ni Jodi ang kanyang Ig story habang kumakain na sila.
“Nice feeling, liberating and empowering, kami lamang ang napakaingay na grupo. Ang sarap ng food, Japanese ang chef namin. Ayaw kong tumingin sa ibaba, alam lamang namin nasa ibaba namin ang Manila Bay, kasi very dark sa itaas. Confident naman kami dahil wehave a safety officer. Umiikot ang sinasakyan naming gondola, kanina nasa Solaire side kami. It’s good to do something new. At habang nasa itaas kami ang music playing ay I Don’t Want To Miss A Thing. Nagsisi ako na nag-suot ako ng sweat shirt dahil naiinitan ako, at pinagpapawisan pa rin ako.”
Kung matapang si Jodi at mga friends niya, saludo rin kami sa waiting staff. Ibang experience din naman kasi sa kanila ito.