MEXICO CITY (Reuters) – Tatlong nawawalang estudyante sa Mexico nitong nakaraang buwan, ang pinatay at tinunaw sa asido matapos mapagkamalang miyembro ng karibal na gang ng mga suspek mula sa Jalisco New Generation Cartel (CJNG), na pinakamakapangyarihan sa bansa.

Ayon sa Jalisco state prosecutors, huling nakita ang tatlong film student sa bayan ng Tonala matapos masiraan ng sasakyan at dukutin ng hindi bababa sa anim na katao, na nagpahirap at pumatay sa mga biktima.

“Subsequently their bodies were dissolved in acid so that no trace of them remained,” pahayag ng state prosecutors office.

Sinabi ni State prosecutor Raul Sanchez na dalawang tao na ang naaresto sa imbestigasyon
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina