Ni Light A. Nolasco

Tuluyan nang napawi ang pangamba ng mahihirap nang ihayag ng National Food Authority (NFA) na muli nang mabibili ang abot-kayang NFA rice sa mga palengke at iba pang pamilihan sa bansa sa susunod na buwan.

Ito ang ipinahayag ni NFA Administrator Jason Aquino dahil paparating na ngayong Abril ang nasa 250,000 metriko tonelada ng imported na bigas mula sa Thailand at Vietnam na pupuno sa buffer stock ng gobyerno.

Kaugnay nito, sinabi ni Aquino na magpapatupad ang NFA ng pinaigting na market monitoring at enforcement para matiyak na pakikinabangan ng mahihirap ang murang bigas na alok ng pamahalaan.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Nananatili sa P27 hanggang P32 ang per kilo na bentahan ng NFA rice sa bansa.