Ni NORA V. CALDERON

IN-ENJOY ni Solenn Heussaff ang role niya bilang mommy ng 8-year old child star na si Marcus Cabais dahil bibung-bibo ang bagets na English speaking pa, pero Pinoy na Pinoy daw siya from Abucay, Bataan. Gumaganap namang daddy ni Marcus sa movie si Paolo Ballesteros.

Solenn

Natanong si Solenn kung kaya na ba niyang maging mommy since last year pa sila ikinasal ng kanyang husband na si Nico Bolzico.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Nag-aaral akong mag-alaga ng pusa ko, may aso rin ako, then dito sa movie, si Marcus,” biro ni Solenn. “In terms sa finances, dahil lagi naman akong may work, nakaipon na ako, I think ready na akong maging mommy. But hindi pa ngayon, we will get there, but not this year. Pero kung biglang dumating, ready na ako.”

Pwede ba siyang maging mommy like iyong may pinaalagaan sa kanyang bata, kaya ba niya iyon?

“Anyone can carry a child, but iba ang connection ninyo kung ikaw talaga ang mommy ng bata.”

Paano kung sakaling may lumabas na may anak pala sa iba si Nico?

“Okey naman sa akin, for example kung one year pa lang ay lumabas nang may anak siya, no question sa akin iyon. Pero kung for example seven years na bago niya inilabas na may anak siya, teka muna, bakit hindi mo ipinaalam sa akin. But I will support him, anak niya iyon, kahit ano pa ang reasons niya. Hindi mo pwedeng pabayaan ang isang bata, lalo pa kung anak mo naman talaga.”

Ano si Solenn kapag naging mommy siya?

“I will be a strict mom, like my mom. Siya ang critic ko, lalo na kung may ginawa ako na hindi niya gusto. But my dad, ang bait niya, lagi niya akong pinupuri, parang wala akong ginagawang mali. But I will be a guide to my children.”

Kumusta namang katrabaho si Direk Eric Quizon na ngayon lamang siya naidirek.

“Mabait siya, very professional. Siguro dahil artista siya, alam niya kung paano i-treat ang mga artists niya. It’s nice working with him, ang bilis ng shooting namin, at laging masaya ang aming set, walang nag-primadonna, kahit pa maaga lagi ang call time namin. Early kami mag-start, maaga rin kami mag-pack up.”

Ang My 2 Mommies ay Mother’s Day presentation ng Regal Films at mapapanood na in cinemas nationwide simula sa May 9, 2018.