TAGBILARAN, Bohol — Matapos ang magarbo at makulay na opening ceremonies, umpisa na ang mainit na labanan sa 2018 National PRISAA Athletics competition tampok ang 16 ginto sa athletics kasabay sa ibang sports na lalaruin sa 17 venues kabilang ang Carlos P. Garcia Sports Complex.

Pinangunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El President’ Fernandez bilang panauhing pandangal ang mga sports at local officials sa pangunguna ni Governor Edgar Chatto at PRISAA president at dating Commissioner Fr. Vic Uy.

May kabuuan 6,330 atleta mula sa mahigit 600 private colleges and universities sa 17 regions ang kalahok sa torneo na may tema “Sports: Transcending Barriers Through Unity and Camaraderie”.

Sa kabila ng maraming gawain, kumpirmado si PSC Charman William Ramirez na dadalo sa closing ceremonies.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang mga ginto na paglalabanan sa Day 1 sa athletics ay javelin (girls, boys, men and women), 3,000m (girls and women), long jump (girls, boys, men and women), 100m hurdles (girls and women), 110m hurdles (boys and men), at 3000m steeplechase (boys and men).

Target ng Central Visayas kasama ang host Bohol ang ikaanim na sunod na titulo sa senior division matapos matagumpay naipagtanggol sa panglimang beses ang korona sa nakopong 124-64-59 medals at ang Western Visayas ay hangad ang pangatlong sunod na korona sa junior division sa napagwagihang 92-43-23 medals sa nakalipas na edisyon sa Zambales.

May kabuuan 34 medalya ang nakataya sa swimming na pinamahalaan ni dating national swimmer Richard Luna.

Naglaan ang PRISAA ng nagkakahalaga P10 million, kabilang ang suportang P4 milyon ng PSC para sa torneo.

Dalawang divison ang nakataya sa youth 18 and under at senior 19 and 22 years old na unang lalaruin sa Bohol at pangalawa matapos i-host ang Central Visayas Athletic nitong Marso.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng PRISAA, gagamit ang weightlifting ng modern electronic scoring device na binili ni PRISAA national executive director at Weightlifting Association of the Philippines vice president Atilano sa Japan nakaraan Asian Junior Weightlifting Championship ginawa sa Tokyo.

“I expect many young potential athletes will shine and preserve the good name of PRISAA as traditional breeding ground of national athletes past, present and future,” pahayag ni Atilano.

Ayon kay Atilano ang main thrust ng PRISAA ay individual para makatuklas ng magagaling na atleta para katawanin ang Pinas sa international competitions.

“We focus on individual participation precisely to discover many young potential athletes,” ayon kay Atilano, may-ari ng Zambonga Institute of Aviation and Technology.

Kasama sa mga sport lalaruin ay basketball, boxing, chess, lawn tennis, table tennis, wrestling, baseball, sepak takraw, softball, archery, at volleyball.