MASAYANG nagdiwang ang mga miyembo ng Philippine Ice Hockey Team, kasama ang kanilang mga pamilya, kaibigan at taga-suporta sa pagtatapos ng Challenge Cup kamakailan sa SM Mall of Asia Skating Rink.
MASAYANG nagdiwang ang mga miyembo ng Philippine Ice Hockey Team, kasama ang kanilang mga pamilya, kaibigan at taga-suporta sa pagtatapos ng Challenge Cup kamakailan sa SM Mall of Asia Skating Rink.

IMPRESIBO ang kampanya ng Philippine Ice Hockey team para sa unang pagsabak sa international tournament ngayong taon nang makamit ang bronze medal sa Challenge Cup of Asia kamakailan sa SM MOA Ice Skating Rink sa Pasay City.

Ang CCOA) ay sanctioned competition ng International Ice Hockey Foundation (IIHF).

Tinanghal ding Most Valuable Player si Pinoy team captain Steven Fuglister, umiskor ng winning goal may 14.5 segundo sa laro laban sa Singapore.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We want to thank everyone for their great show of support at this year’s Challenge Cup. Our families, friends, and fans gave us an incredible source of strength and motivation during this run, testament to our podium finish,” pahayag ni Philippine Ice Hockey coach Jonathan de Castro.

Pinaghahandaan ng koponan ang pagsabak sa Philippine Ice Hockey Tournament sa Hunyo. Hindi man bahagi ang torneo sa kinalalagyang marka sa IIHF, bahagi ang torneo para mabigyan ng ayuda ang sports na mas mapalapit sa masang Pinoy at pagpapalakas para sa mga susunod na international campaign.

Target din ng koponan na maidepensa ang titulo sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa, gayundin ang qualifying para sa IIHF World Championships.

“We are currently starting preparations for the men’s and potentially the women’s teams for next year. Riding on our motivation from CCOA, the coaching staff is currently breaking down film from our last game to move forward and create the roster for the upcoming 2019 SEA Games,” sambit ni de Castro.

Sa mga nagnanais na sundan ang paghahanda ng ice hockey national team, regular na nagsasanay ang koponan sa Olympic-sized ice skating rink sa MOA mula nang buksan ito sa publiko noong October 2017.

Bukod sa ice hockey, isinusulong din ng SM Lifestyle Entertainment ang development at kamalayan ng Pinoy sa figure skating at speed skating kung saan may malaking potensyal na umani ng tagumpay sa abroad.

Sundan ang paghahanda ng koponan sa www.smskating.com gayundin sa official social media accounts @smskating