Ni Nora V. Calderon

MAY 9-year old daughter na si Paolo Ballesteros at walang problema sa kanya ang pagpapalaki sa anak na madalas ay nasa mommy nito sa Baguio City. Kitang-kita sa Instagram posts ni Paolo ang closeness nila ni Keira.

Paolo Ballesteros M2M copy

Sa grand presscon ng My 2 Mommies ng Regal Films, tinanong si Paolo ng press kung alam na ni Keira ang totoo sa kanyang sexuality.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

“Hindi ko alam, pero sa bahay, nakikita niya ang mga gowns na isinusuot ko sa show, ang mga high-heeled shoes, wigs, ang mga make-up ko, open naman ang mga drawers ko,” sabi ni Paolo.

“Hindi naman siya nagtatanong, at sana hindi siya magtanong. Pero kung magtanong siya, wala naman akong magagawa, sasagutin ko siya. At sana maintindihan niya ako. Basta hindi ko kinakalimutan ang mga responsibilities ko sa kanya,” aniya pa.

Totoo naman dahil ilang beses nang dinadala abroad ni Paolo si Keira para mag-bonding silang dalawa.

Natanong namin si Paolo kung ipinapanood niya kay Keira ang Barbie The Wonder Beki na ipinalabas noong nakaraang taon. Gusto nga raw mapanood, pero hindi pa siya nakakakuha ng copy nito.

Sa My 2 Mommies, nagkaroon ng anak ang karakter ni Solenn Heussaff at ni Paolo nang minsang nagkasama sila sa isang night out. Malaki na ang anak nila nang ipakilala ni Solenn kay Paolo na ikinagulat nito, dahil nga beki siya at may ka-affair siya, si Joem Bascon. Bibong-bibo ang anak nilang ginagampanan ni Marcus Cabais.

Sinisiguro ni Direk Eric Quizon at ng Regal Films na magugustuhan ng mga manonood ang very light romantic-comedy movie na nagtatampok din kay Ms. Maricel Soriano in a very special role as Paolo’s aunt.

Tulad ng mga nakaraang taon na laging ino-honor ni Mother Lily Monteverde ang mga nanay, special Mother’s Day presentation nila ito this year, at mapapanood na in cinemas nationwide simula sa Mayo 9.