Ni Bella Gamotea
Muling magpapatupad ng oil price hike sa bansa ngayong linggo.
Sa taya ng Department of Energy (DOE), posibleng tumaas ng 50 hanggang 60 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene, habang 30-40 sentimos naman sa gasolina.
Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Abril 17 nang huling nagtaas ng 80 sentimos sa kada litro ng kerosene, 55 sentimos sa diesel, at 35 sentimos naman sa gasolina.