Nina Genalyn Kabiling at Ellalyn De Vera-Ruiz

Magsisilbing “wake-up call” sa pamahalaan ang isasagawang rehabilitasyon ng Boracay Island, upang hindi maisakripisyo ang kalikasan kapalit ng masiglang ekonomiya ng bansa.

Ito ang paalaala kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kasabay ng pagdiriwang ng Earth Day kahapon.

“We join the rest of the world in observing Earth Day. This year’s observance of Earth Day in the Philippines has stricken a resonant chord with the government’s resolve to clean and restore Boracay Island to its previous stature as one of the most beautiful and pristine beaches of the world. This is a good wake-up call to everyone that we must not sacrifice the future ecological sustainability on the altar of economic growth and development,” ani Roque.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang anim na buwang pagsasara ng isla upang isailalim ito sa rehabilitasyon dahil sa matinding polusyon sa isla.

Kaugnay nito, hinikayat kahapon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang publiko na makialam at tumulong sa kampanya ng pamahalaan upang matigil na ang mga paglabag sa environmental laws sa bansa.

Ayon sa kalihim, naging aktibo ang Pilipinas sa pakikilahok sa Earth Day simula pa noong 1990, pero patuloy pa ring nasasalaula ang kalikasan sa bansa, gaya ng sinapit ng Boracay.