PINANGASIWAAN ni Philippine Sports Commission Commissioner Charle Maxey (gitna) ang paglarga ng PSC-Philippine Sports Institute (PSC-PSI) Consultative Meeting and Grassroots Coaching kahapon sa Panabo City Hall. PSC-PSI
PINANGASIWAAN ni Philippine Sports Commission Commissioner Charle Maxey (gitna) ang paglarga ng PSC-Philippine Sports Institute (PSC-PSI) Consultative Meeting and Grassroots Coaching kahapon sa Panabo City Hall.
PSC-PSI

PANABO CITY, Davao del Norte – Ipinahatid ng Pamahalaang Panglungsod ng Panabo ang pasasalamat sa Philippine Sports Commission (PSC) at the Philippine Sports Institute (PSI) para sa isinagawang consultative meeting and grassroots coaching education kahapon sa Panabo City Hall.

Bunsod nito, ipinangako ng lokal na opisyal na bibigyan ng prioridad ang pagsasaayos ng mga pasilidad sa lungsod para magamit ng mga atleta.

“We are grateful to the PSC for their) technical assistance, providing skilled persons help us give impact to sports in our city and bring pride to the Panaboans in both national and international competitions,” pahayag ni Panabo City Administrator lawyer Jamail Lunar Macla, kumatawan kay Mayor James Gamao.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Macla, determinado si Mayor Gamao – hindi nakadalo sa opening ceremony bunsod nang naunang commitment – na isaayos ang multi-purpose gym at magpatayo ng bagong sports complex na may Olympic-sized swimming pool, rubberized track oval at baseball diamond at football pitch.

Aniya, nakatakdang kumuha ang Panabo LGU ng P70 milyon loan sa Landbank of the Philippines para tustusan ang nasabing proyekto.

Iknalugod naman ni PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey, ang plano ng Panabo LGU para mapalawig ang programa ng sports sa lungsod.

“The PSC, being committed to grassroots sports, appreciates the LGU of Panabo for this partnership and for its laudable efforts to promote sports and educate the coaches,” pahayag ni Maxey.

Iginiit ni Macla na nakatuon ang pansin ng lungsod sa basketball, boxing, taekwondo at table tennis kung saan matikas ang kampanya ng Panabo sa local tournament.

Pinangasiwaan ng mga coach at trainors mula sa Manila ang grassroots coaching education dito.