Ni Gilbert Espeña

GINAMIT ni two-division world champion Carl Frampton ang kanyang bilis para makaiwas sa mga pamatay na suntok ni five-division world titlist Nonito Donaire Jr. ng Pilipinas at magwagi sa hometown 12-round decision upang matamo ang WBO interim featherweight title kahapon sa SSE Arena, Belfast, North Ireland sa United Kingdom.

Lahat ng hurado ay umiskor ng 117-111 para kay Frampton na kung ilang beses nayanig ng left hook ni Donaire na malabong manalo sa Belfast maliban kung patutulugin ang paboritong Briton.

Sa pagwawagi, si Frampton ang mandatory contender ngayon kay WBO featherweight titlist Oscar Valdez ng Mexico na minsang napabagsak ng Pilipinong si Genesis Servania sa depensa sa United States.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

“Donaire was pretty bruised up after the sixth round. Frampton continue to connect with the hard and sharper punches,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com. “They were brawling away in the seventh. Frampton was wobbled by a big uppercut but fired right back with a series of hard shots to get out of trouble and back Donaire up. In the eight, Frampton stayed at a distance and boxed safely as Donaire was unable to get to him.”

“In the final seconds of the eleventh, Donaire was able to land some very hard punches including two big left hands,” dagdag sa ulat.

“Frampton, knowing he was well ahead on the cards as they entered the twelfth and final round, was just boxing safely from the distance. Donaire was applying a lot of pressure, doing a lot of work as Frampton was mostly on the move and countering.”

Ngunit iba naman ang naging pananaw ng Fightnews.com sa sagupaan ng dalawang boksingero: “The 35-year-old Donaire’s left eye began swelling in round two and he was cut over the right eye in a seventh round head clash. Donaire rocked Frampton several times in the fight, but came up short 117-111 on all three cards.”

Napaganda ni Frampton ang kanyang rekord sa 25 panalo, 1 talo na may 14 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Donaire sa 38-5-0 na may 24 panalo sa knockouts.