Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga motorcycle rider na itaguyod ang kaligtasan sa lansangan sa pamamagitan ng hindi paggamit ng droga at hindi pag-inom ng alak habang nagmomotorsiklo.

Ito ang naging panawagan ng Pangulo nang dumalo siya sa 24th annual convention ng National Federation of Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) sa Legazpi City, Albay nitong Sabado ng gabi.

Inamin ng Pangulo na bilang isang dating rider, hindi maiiwasan na hindi makatikim ng alak ang sinumang nagmomotorsiklo, na dapat mag-ingat at huwag nang magmaneho kapag nakainom na.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Do keep in mind that it is not just purely an adventure when you are on the road. I ask you to promote road safety and observing traffic rules, wearing proper protection, and being— ito talaga: alcohol- and drug-free,” sabi ni Duterte.

“Tutal may mga security guards man diyan sa building, iwan mo na lang ‘yung motor mo. If you cannot take it, do not ride,” patuloy pa niya.

Kaugnay nito, hiniling din ng Presidente sa mga motorcycle rider na suportahan ang pagsigla ng turismo sa bansa.

“While this pursuit enables you to travel to other places, you may always take this as an opportunity to be a part of our collective responsibility to foster solidarity and progress in our communities,” paliwanag niya.

Binanggit din niya ang isinasagawang pagbuwag ng pamahalaan sa itinuturing na salot ng lipunan na ilegal na droga kasabay ng pangungumbinsi niya sa mga riders na makiisa sa pagpapatatag ng bansa, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan at pangangalaga sa seguridad ng bansa.

“Remember that your greater participation in our fight against illegal drugs, criminality and corruption is crucial to our goal of uplifting the lives of the Filipino people,” pagtatapos nito.