Ni Reggee Bonoan

KAYA pala nasa ibang bansa si Aga Muhlach ay dahil may ginagawa silang pelikula ni Alice Dixson at si Roni Velasco ang direktor.

ALICE 2 copy

Walang binanggit ang aming source kung anong titulo at kung ano ang karakter na ginagampanan nina Aga at Alice sa pelikula na dapat sana ay ipo-produce ng Spring Films pero sa hindi malamang dahilan ay hindi na kasama ang kumpanya nina Piolo Pascual, Binibining Joyce Bernal at Erickson Raymundo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang Viva Films na ang solong producer ng pelikula.

Kasalukuyang nasa Greenland sina Aga at Alice kaya pala may mga video post ang aktor, “I found my gym here in Nuuk, Greenland, perfect” sabay pakita ang gym at labas na puro yelo.

Caption ni Aga, “Work it! #brrrr #nuuk#greenland #excitedforthismovie.”

May litratong kinunan pa si Aga na nasa tabing ilog na puro yelo na hindi namin mawari kung ano ang papel nila roon.

May video post naman si Alice na kinunan ang buong yelo sa paligid at sabay sabing, “just finished my morning run before my first day of shoot, this is Greenland, whooh!”

At ang caption ng aktres, “Hard to talk pag naninigas ang face mo sa lamig. That’s how it feels along the water’s edge. Mapapasigaw ka sa lamig wh?ah!!! LET’S DO THIS! #snuukpeek.”

Base sa post ni Alice, “Introducing my new film character, #ElaisaSvendsen #snuukpeek #IslandGirlinanArcticWorld.”

At dahil sa post na ito ni Alice ay parang ang kuwento ay doon siya nagtatrabaho at sinundan siya ni Aga na ang working title ng pelikula ay Island Girl In An Arctic World.

Hmm, mukhang nauuso na talaga na sa magaganda at mamahaling bansa nagso-shoot ngayon dahil napansin na kapag sa ibang bansa ang location ay kumikita ito katulad ng Kita Kita (Japan) at Meet Me In St. Gallen (Switzerland) na parehong co-produce ng Viva Films at Spring Films.

Sinundan pa ng Never Not Love You (London) na produced din ng Viva Films at nina direk Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Kakapalabas lang ng Almost A Love Story na sa Italy naman kinunan.

Gusto kasi ng manonood na may bago silang nakikita sa mga pelikulang napapanood nila dahil baka isa ito sa mga bucket list nila tulad namin.

Anyway, malaking palaisipan lang ngayon kung bakit umatras na ang Spring Films sa pelikula nina Aga at Alice?

Baka naman kasi nasabay sa big budgeted movie na gagawin ng Spring Films, ang Marawi na isang war movie.

Anyway, halos lahat ng followers nina Aga at Alice ay excited sa upcoming movie nila at tinatanong kung kailan ang playdate nito.

At siyempre, isa rin sa excited sa pelikula si bossing DMB.