Ni LIEZLE BASA IÑIGO

Nasawi ang isang babae habang 14 na iba pa ang nasugatan nang tumaob ang sinasakyan nilang van sa Tarlac-Pangasinan La Union Expressway (TRPLEX), sa Barangay San Bartolome, Rosales, Pangasinan, kahapon ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Dr. Chan Hospital si Shilany Aten-an, 22, dalaga, ng Bgy. Bangao, Buguias, Benguet, dahil sa natamong pinsala sa ulo.

Isinugod naman sa Del Carmen Hospital ang mga pasaherong sina Jeremy De Jesus, 34, ng Angeles City, Pampanga; Joanna Jose, 26, dalaga, ng Castillejos, Zambales; Lilian Ganado, 37, may asawa, ng Benguet; Gay Pascual, 21, ng Ifugao; Jouie May Quintela, 22, ng Baguio City; Richelle Franza, 30; Morris Mangupang, 30; Kaiser Mangupag, 6, pawang ng Cubao, Quezon City; Sarah Delos Reyes, 23, ng San Fernando, Pampanga; at Aten-An Pacito, 68, ng Buguias, Benguet.

National

Occidental Mindoro, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

Itinakbo naman sa Dr. Chan Hospital sina Kristina Mangupang Medina, ng Pampanga; Lester Tiyongson Bacani, 18, ng Baguio City; Jerry Lachaon; at Wilson Guevara, 38 anyos.

Ayon kay Chief Insp. John Corpuz, hepe ng Rosales Police, dakong 12:30 ng medaling araw kahapon nang mangyari ang aksidente.

Sakay ang mga biktima sa Toyota Hi-ace van (AHA-2072), na minamaneho ni Luisito Mora, 44, ng San Jose del Monte, Bulacan, at binabagtas ang TPLEX pahilaga nang biglang sumabog umano ang kaliwang bahagi ng gulong sa likuran ng van, sa bahagi ng Bgy. San Bartolome sa Rosales.

Dahil dito, nawalan ng kontrol si Mora sa sasakyan, na sumalpok sa gutter ng kalsada hanggang sa tumaob.

Nahaharap ngayon si Mora sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple injuries.