TOKYO (AP) – Sa edad na 117, binawian ng buhay sa Japan ang pinakamatandang tao sa mundo.

Kinumpirma ng opisyal ng bayan na si Susumu Yoshiyuki ang pagpanaw ni Nabi Tajima dulot ng katandaan sa isang ospital sa bayan ng Kikai sa katimugan ng Japan.

Ipinanganak noong Agosto 4, 1900, si Tajima ang sinasabing natitirang tao na ipinanganak noong 19-siglo.

Idineklarang oldest person si Tajima pitong buwan na ang nakararaan matapos mamatay noong Setyembre si Violet Brown, ng Jamaica, sa edad 117.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inanunsyo naman ng U.S.-based Gerontology Research Group na isang hapon din ang may hawak ngayon ng ‘world’s oldest person record’, si Chiyo Miyako ng Kanagawa, Tokyo.