Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 Blackwater vs. Columbian Dyip

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

6:45 pm TNT Katropa vs. Globalport

Batay sa schedule na inilabas ng PBA para sa darating na PBA Commissioner ‘s Cup, may isang linggo pa ang hihintayin bago muling sumalang sa aksiyon ang 4-time Philippine Cup champion San Miguel Beer makaraan ang kanilang paghahari sa nakaraang first conference.

Base sa kumpletong schedule na inilabas ng PBA para sa second conference na nakatakdang magsimula ngayong araw sa Araneta Coliseum, magsisimula ng kanilang title-retention bid ang Beermen sa Mayo 9 pa kontra Meralco sa MOA Arena.

Ang nakaraang Philippine Cup losing finalist Hotshots naman ay may mahaba ring pahinga at unang sasalang sa Mayo 6 kontra Phoenix.

Nakatakdang matunghayan ngayong gabi sa tampok na laban si Gilas Pilipinas standout Terrence Romeo na suot ang uniporme at lalaro sa bagong koponang TNT Katropa kontra sa dati nyang koponan.

Ngunit, bukod kay Romeo, aantabayanan ding tiyak ang imports ng dalawang koponan na sina 6-foot10 Jeremy Tyler ng Katropa at 6-foot-9 Malcolm White ng Globalport.

Mauuna rito, taglay ang bagong pangalan na Columbian Dyip, umaasa ang koponan na makapagpapakita ng mas magandang performance sa pamumuno ng kanilang import na si CJ Aiken.

Ngayon pa lamang makakapaglaro ang 6-foot-9 na si Aiken na nagkaroon ng stint sa NBA G-League at sa bansang Canada at Poland.

Tatapatan naman siya ng beterano na ng PBA na si Jarrid Famous na nakapaglaro na sa Meralco at Petron.