Ni PNA

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestro Bello III na targetin ng ahensiya ang mga ‘cabo’ o mga kumpanyang nagsasagawa ng labor-only contract.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inutos ng Pangulo kay Bello na magsumite, sa loob ng 30 araw, ng isang inventory o komprehensibong ulat hinggil sa DoLE’s Department Order Numbers 174 at 183, sa Office of the President (OP).

Ayon kay Roque, ang ulat ang maglalaman ng listahan ng mga kumpanya na pinaghihinalaang nagpapatupad ng labor-only contract na ipinagbabawal base sa Labor Code.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“We reiterate that labor-only contracting is already prohibited by the existing Labor Code and among others, one in this is of a labor-only contracting entity or a “cabo” that does not have substantial capital,” ani Roque.

Dagdag pa niya, partikular na ipinagbabawal ng Labor Code ang “cabo” o ang 555 “endo” practice, kung saan tatagal lamang ng limang buwan ang serbisyo ng manggagawa at tuluyan na itong tatanggalin sa trabaho.

Paliwanag pa ni Roque, ang mga service contractors na may kapital na P5 milyon at kumukuha ng empleyado para sa isang kumpanya bilang regular ay pinapayagan ng Labor Code.

Ipinag-utos ito ni Duterte isang araw matapos ianunsiyo ng DoLE na hindi na maglalabas ang Pangulo ng executive order na nagbabawal sa “endo” o end-of-contract.

Dagdag ng DoLE, sa halip ay ipapa-certify na lamang bilang “urgent” ang security of tenure bill, na nakabimbin ngayon sa Senado.

Sabi pa ni Roque, ang pagbabawal sa mga service contractors na may “substantial capital” ay nangangailangan ng batas mula sa Kongreso.

Sa ngayon, aniya, tinutupad ng Pangulo ang pangako nito noong kampanya na aalisin ang “555 endo”, kasama ang paglalabas ng bagong direktiba laban sa labor-only contract.

“This is just a directive. So it needs to be implemented. Let’s just call it as ‘Tokhang Laban sa Cabo’,” giit ni Roque.

Ang salitang “Tokhang” ang terminong una nang ginamit ng Philippine National Philippine, (PNP) para sa kampanya nito laban sa ilegal na droga na “Oplan Tokhang.”

“There would be really Tokhang in the companies, one by one. It’s to tell them to comply, otherwise you will be closed by the President,” sabi pa ni Roque.