Ni Annie Abad

SAN JUAN, ILOCOS SUR -- Pinataob ng National Capital Region (NCR) ang DAVAO Region sa 100-80 upang kunin ang titulo sa pagtatapos ng labanan sa secondary boys basketball ng Palarong Pambansa sa San Juan covered court dito.

basketball copy

Binalikat ng mga Batang Gilas players na sina Terrence Fortea at Carl Tamayo ang panalo ng NCR katuwang ang pambato ng NU Bulldogs sa Universities Athletics Association of the Philippines (UAAP) na si Gerry Abadiano upang depensahan ang kanilang titulo sa nasabing annual meet.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dalawang minuto ang nalalabi sa unang yugto nang huling magdikit ang labanan sa 20-18 pabor sa NCR, bago tinapos nito ang unang yugto sa 26-20 kalamangan. Ngunit, umarya ang NCR Stalwarts pagdating ng ikalawang yugto kung saan tumakbo sila ng 36-11 run upang iwanan ang kalaban at itala ang pinakamalaking kalamangan sa 68-35 bago magsimula ang third quarter.

Nagpaulan ng tres si Fortea sa nasabing yugto na siyang nagbigay sa kanya ng 28 puntos habang nagambag ng kanyang 24 puntos si Abadiano at may 14 puntos si Tamayo.

Pagsapit ng ikatlong yugto sinubukan ng Davao Eagles na guluhin ang depensa ng NCR kung saan ginamit nila ang tibay sa pagsaksak sa loob ng mga pambato nito na sina Aljay Alloso na may 22 puntos at Vince Petdeo Cuajao na tumipa naman ng 17 puntos para sa kanyang koponan, ngunit hindi ito sapat upang habulin ang malaking kalamangn na itinala ng kalaban.

“Very happy for the boys, I’ve seen their hardwork para sa championship. i know they wanted this ‘cause they really worked hard during the eliminations that’s why we are here,” pahayag ni NCR coach Goldwyn Monterverde.

(Iskor)

NCR (100) - Fortea 28, Abadiano 24, Tamayo 14, Gonzales 10, Oczon 8, Guarino 6, Mailim 4, Lantaya 4, Torres 2, Felicilda 0, Songcuya 0, Buensalida 0.

Davao (80) - Alloso 22, Cuajao 17, Angeles 11, Manlimos 10, Perdido 8, Laput 6, Senarillos 2, Allong 2, Reyes 2, Magallon 0.

Quarterscores: 33-24; 68-35; 83-55; 100-80.