Ni Reggee Bonoan

SA nakaraang US tour ni Alden Richards ay inamin niyang sinamantala na niya ang lahat ng pagkakataon para magawa ang gusto niya tulad ng pamamasyal at acting workshop.

alden

“Very successful po ang show at nagpapasalamat ako sa lahat ng Kapuso na nagpunta sa New Jersey and Toronto. Worth it talaga ang pagod kasi nagpunta sila to see us and were happy that we’re able to deliver a good show to everyone. Ang daming naka-miss dawn sa Pilipinas,” masayang sabi ng aktor.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Isa rin sa dahilan kung bakit masaya si Alden ay dahil tumanggap siya ng award sa New York Festivals.

“Sa 2018 New York Festivals, nanalo tayo ng silver medal para sa Team Alaala. Dagdag gasolina na naman po ‘yun para sa lahat na makagawa ng mga projects, mga materials for the international audience and international market para ma showcase natin ang Filipino talents in terms of doing content for the outside market.

“Iba po ang pakiramdam kapag nagre-receive ng award doon. Iyon po ang na-realize ko na ‘ganito pala ang pakiramdam.’ All over the world po kasi ‘yun, hindi lang sa US. Meron from Russia, Wales, Japan, Korea. Ang sarap po ng pakiramdam na bilang Pinoy, meron tayong puwesto ro’n,” kuwento ni Alden.

Masaya si Alden na naranasan niya ang pakiramdam ng isang jetsetter.

“Iyon pala ang tinatawag na jetsetter kaso half of the trip po nasa eroplano ako. Mina-ximize ko talaga kasi ‘yung opportunity na nandoon and ‘yung mga mga taong naging part ng trip at ‘yung opportunity na puwede kong ma-grab while nasa US po ako.

“Ibang klase rin ‘pag nag-workshop abroad, iba rin ang pakiramdam. Pag nandoon ka kasi back to zero, eh. Kung baga ‘yung achievements mo, pag nasa ibang territory ka na iba, so bumalik ako sa basic while doing the workshop. Nag-zero ako. mas fulfilling kasi marami ako nag-discover sa sarili ko na hindi ko alam. Empty talaga, alisin ‘yung narating o accomplishments. Set aside muna ‘yun. Dito (workshop) bago ka, you’re new. So it really helps po. Maraming learnings talaga,”pagtatapat ng isa sa prime artist ng GMA 7.

Samantala, may meet and greet si Alden ngayong hapon sa ganap na 4PM sa SM Megamall, sponsored ng Cookie’s Peanut Butter na bagong iniendorso ng aktor.

Nakakatuwa ang may-ari ng Cookie’s Peanut Butter na sina Mr. Cookie Yatco at Mrs. Joy Abalos-Yatco dahil ang planong 3 hanggang 4 avid supporters ni Alden Richards lang sana ang mananalo ng “Win a Date,” ay naging 60 n a ginanap sa Historia B o u t i q u e B a r and Restaurant sa Sgt. Esguerra, Quezon City nitong Miyerkules.

Say ni Alden, “Sobrang na-appreciate ko po sila kasi lahat ng ginagawa ko sinusuportahan nila. Itong Meet and Dine po kasi na-move na nang na-move pero nandito pa rin sila.”