TEHRAN (AFP)- Handa ang Iran na muling magsagawa ng nuclear enrichment sakaling tapusin ng Estados Unidos ang 2015 nuclear deal at pinag-iisipan na rin umano ang “drastic measures” bilang tugon sa US exit, ito ang banta ni Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif nitong Sabado.

Ipinahayag ni Zariff na hindi iniisip ng Iran ang pagkakaroon ng mga nuclear bomb, ngunit maaaring maging tugon umano ng Tehran sa pag-alis ng US ang muling pagprodukto ng uranium na sangkap sa paggawa ng mga bomba.

“America never should have feared Iran producing a nuclear bomb, but we will pursue vigorously our nuclear enrichment,” ayon sa foreign minister.

Sa Mayo 12 na ang ibinigay na deadline ni US President Trump upang ayusin Europa ang 2015 agreement na nagbibigay ng pahintulot sa nuclear program ng Iran kapalit ng financial sanction.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Una nang nagbanta si Iranian President Hassan Rouhani na pagsisisihan ng US ang pagbitiw nito sa nuclear deal.