Ni Beth Camia

Puwede nang bumisita nang walang visa ang mga Pilipino sa isla ng Hainan, kung saan matatagpuan ang tinaguriang “Hawaii of China.”

Ayon sa Ministry of Public Security of China at State Immigration Administration, simula sa May 1 ay epektibo na ang visa-free access sa Hainan para sa mga Pinoy, na hindi hihigit sa 30 araw ang pananatili sa isla.

Bukod sa Pilipinas, binigyan din ng China ng 30-araw na visa-free access ang 58 pang bansa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kinakailangan lamang na mag-book sa mga travel agency na aprubado ng China National Tourism Administration.