TINIYAK ni Wenson Reyes na hindi niya bibiguin ang mga kababayan matapos pangunahan ang premyadong Kids 65cc upang kunin ang pangkalahatang titulo sa Mayor Christian Natividad mini-motocross series Sabado sa Malolos Sports and Convention race track.

 ITINAAS ni Wenson Reyes ang tropeo sa matikas sa podium finish.


ITINAAS ni Wenson Reyes ang tropeo sa matikas sa podium finish.

Pinakita ni Reyes, 11 at Grade 6 student ng St Paul College sa Sta. Maria, Bulacan ang husay niya sa harap ng mahigit sa 1,000 nagsisigawang miron upang bawian si David Malgapo ng Isabela. Tinapos ni Reyes ang serye na may dalawang panalo at isang runnerup.

Ginulat ni Malgapo si Reyes at ang mga nanonood na Bulakenyo sa ikalawang yugto ng serye. Kinuha ng deterninadong si Malgapo ang unang puwesto matapos malito si Reyes na nagkamali ng daan sa unang liko ng karera.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, sa ikatlo at huling karera na inorganisa ni Pastor Sam Tamayo na siya ring hepe ng Mx Messiah Fairgrounds ay walang dudang kay Reyes ang titulo.

‘‘We’ve seen the future of Philippine motocross,’’ sabi ni Tamayo na pinasalamatan si Mayor Natividad at iba pang mga isponsor sa kanyang suporta.

Kinumpleto ni Reyes ang kanyang dominasyon matapos kunin ang unang puwesto sa Kids 65cc (10-12) at Kids 85cc para sa mga 12 year-old at pababa.

Nagpasiklab din si Xyxy Maximo sa All Girls (9 and below) at sa 50cc (7-8 years old).

Namayani si Quiana Reyes, ate ni Wenson, sa All Girls (14 and below).

Kampeon si Joshua Tamayo sa Yamaha PW50 (4-6 years old); nanalo si Shana Tamayo sa MMF Academy (7-9 years old); numero uno si Christopher Mercado sa Yamaha Pw50 (6-8 years old) at nanguna si Khim Yumul sa 10-12 years old category ngr MMF Academy.