Nagsanib-puwersamuli ang ABS-CBN Film Restoration Group at Ayala Cinemas Cinemas para ihandog ang ilan sa mga pinakaminahal na pelikula sa bansa sa Cinema Classics, ngayong Abril 18 hanggang 24, sa Trinoma at Greenbelt.

Racquel Villavicencio, Maricel Soriano, and Carlos Seguion-Reyna

Pormal na binuksan ang Cinema Classics nitong Miyerkules (Abril 18) sa premiere ng digitally restored at remastered 1992 hit drama film na Ikaw Pa Lang Ang Minahal na dinaluhan mismo ng lead star nito na si Maricel Soriano.

Bukod sa obra ni Carlos Siguion Reyna, tampok din sa naturang cinema exhibition ang dalawa pa sa pelikula ni Richard Gomez na Hihintayin Kita Sa Langit at Kapag Langit Ang Humatol.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Mapapanood din sa Cinema Classics ang restored na mga pelikula ni Mike De Leon na Kakabakaba Ka Ba?, Sa Aking Mga Kamay ni Rory Quintos, Don’t Give Up On Us ni Joyce Bernal, Langis at Tubig ni Danny Zialcita, One More Try ni Ruel Bayani, Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin ni Carlos Siguion Reyna, at The Mistress ni Olivia Lamasan.

Ang Cinema Classics ay bahagi ng advocacy campaign ng ABS-CBN Film Restoration na “Sagip Pelikula” na naglalayong mapanatili ang Philippine cinematic legacy sa pamamagitan ng pag-restore ng classic Filipino films at ipamalas uli ito bagong henerasyon ng mga manonood gamit ang iba’t ibang platforms.

Pumunta na sa Glorietta at Trinoma para mapanood ang digitally restored and remastered films mula ngayong Miyerkules (Abril 18) hanggang Martes (Abril 24). Ang ticket ay nagkakahalagang P220 at mayroon discounted price para sa estudyante na P180.

Para sa buong schedule, bisitahin angwww.facebook.com/filmrestorationabscbn sa Facebook.